HINDI PABOR | China, nababahala sa bilateral investment agreement ng Pilipinas at Taiwan

Manila, Philippines – Nababahala ang China sa bilateral investment agreement ng Pilipinas at Taiwan.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, walang problema ang China sa normal na ugnayang kalakalan ng Pilipinas at Taiwan, ngunit hindi sila sang-ayon sa anumang opisyal na palitan ng kasunduan ng dalawa.

Dagdag ni Geng, umaasa ang China na tatalima ang Pilipinas sa prinsipyo ng “One China” at iwasang malamatan ng Taiwan ang magandang ugnayan.


Noong Huwebes, lumagda ang Pilipinas at ang de facto ambassador ng Taiwan sa isang kasunduan, base sa inilabas na pahayag ng pamahalaan ng Taiwan.

Ayon naman sa Beijing, walang karapatan sa diplomatic recognition ang Taiwan dahil bahagi umano ito ng China.

Facebook Comments