Associate Justice Romeo Barza, itinalaga bilang bagong Presiding Justice ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Romeo Barza bilang bagong presiding justice ng appellate court.

Tinalo ni Barza sina acting presiding justice Remedios Salazar-Fernando at associate justice Marlene Gonzales Sison para maging kapalit ni Justice Andres Reyes, Jr. na itinalaga naman sa korte suprema nuong Hulyo.

Si Barza ay mula sa Lupon, Davao Oriental at co-founder ng ngayon ay nabuwag nang Carpio Villaraza Barza Cruz and Roselle Law Offices na mas kilala bilang the firm.


Nagsimula siya noong 1995 bilang judge sa Batangas City at dalawang beses naging National President ng Philippine Judges Association noong 2003 at 2005.

Ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nagtalaga kay Barza sa C.A. noong May 2006.

Facebook Comments