Hindi pag-adopt ng Senado sa bersyon ng Kamara ng proposed 2020 national budget, okay lang kay Lacson

Tanggap ni Senator Panfilo Ping Lacson ang desisyon ng mga kasamahang senador kontra sa ideya nya na i-adopt na lang ang ipinasang bersyon ng kamara ng 2020 national budget.

Nauunawaan ni Lacson na mayroong mga ammendments na nais ipasok ang mga kasamahan niyang senador sa panukalang pambansang budget.

Samantala, tiniyak naman ni senator christopher bong go na isa sya sa masusing hihimay sa budget para sa susunod na taon para matiyak ang pagiging pork-free nito.


Binigyang diin ni Go mahalagang masigurado na walang insertions sa budget para matiyak na mapapakinabangan ito ng taumbayan sa pamamagitan ng maayos na basic services mula sa pamahalaan.

Facebook Comments