Hindi pag-aksyon ng Senado para matupad ang constitutional amendments, ikinadismaya ni Rep. Marcoleta

Hindi naitago ni SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta ang pagkadismaya dahil patuloy na inuupuan umano ng Senado ang pagsusulong na ma-amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss).

Diin ni Marcoleta, patuloy ang pagdedma ng Senado sa mga resolusyon na inaaprubahan ng House of Representatives na nagsusulong na mareporma ang mga economic provisions sa Saligang Batas.

Sa katunayan ayon kay Marcoleta, noon pang panahon ni dating House Speaker Sonny Belmonte ay hindi na inaaksyunan ng Senado ang mga resolusyon na ipinapasa ng Kamara para maamyendahan ang Konstitusyon.


Punto ni Marcoleta, paano maisasagawa ang constituent assembly para sa Charter Change kung dinededma ng Senado ang mga imbitasyon ng Kamara para talakayin ang usapin.

Ang nabanggit na hinaing ay inilahad din ni Marcoleta sa kanyang naging pagdalo sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation ukol sa People’s Initiative.

Facebook Comments