Hindi pag-release sa bahagi ng budget ng COA, kinwestyon ng mga Senador

Kinwestyon nina Senator Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapahinto ng Department of Budget and Management (DBM) sa pag-release sa bahagi ng budget ng Commission on Audit (COA) na nagkakahalaga ng 173 million pesos kung saan apektado ang mga programa, activities at mga proyekto ng ahensya.

Ang basehan nito ay ang pagpapahintulot ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.

Giit ni Lacson, hindi dapat madamay dito ang COA dahil bilang isang constitutional commission ay mayroon itong fiscal autonomy at kapangyaihan o full flexibility na gamitin ang kanilang pondo anumang oras.


Sabi naman ni Ombudsman Samuel Martires, ang ginawa ng DBM ay abused of discretion.

Facebook Comments