Dumepensa ang Department of Health sa desisyon ng gobyerno na hindi na i-require ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magpa COVID-19 test at quarantine kapag tutungo sa ibang lugar dito sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan kasing hindi magkaroon ng delay sa mga transaksyon ng pamahalaan.
Hindi rin naman aniya nagtatagal ang mga opisyal at empleyado kapag bumibisita sa isang lugar.
Kaugnay nito, pinayuhan rin ni Vergeire ang mga government officials na huwag nang magtrabaho kung may nararamdamang sintomas upang maiwasan ang posibilidad na makahawa ng virus.
Facebook Comments