FIBA Asia Cup Qualifiers game sa Pilipinas, tuloy pa rin

50

Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng FIBA Asia Cup Qualifiers game sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng FIBA sa kabila ng suspensiyon ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sana sa Doha, Qatar ngayong Pebrero.


Hindi naman nagbigay ng ibang detalye ang FIBA kung kailan matutuloy ang dalawang laro at kung anong grupo ang maglalaro.

Ang Gilas Pilipinas ay kabilang sa Group A kasama ang Korea, Thailand at Indonesia habang ang Group B ay binubuo ng China, Japan, Chinese, Taipei at Malaysia.

Kasama naman sa Group E ang Iran, Syria, Saudi Arabia at Qatar.

Facebook Comments