Hindi makakaapekto sa relasyon ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) sa Estados Unidos ang hindi pagdalo ni US President Donald Trump sa ika-35 ASEAN Summit na ginaganap ngayon sa Thailand.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar nang tanungin kung maituturing ba na hindi magandang mensahe para sa ASEAN members ang hindi punta ng US top official.
Matatandaan na nitong Martes, inanunsyo ng White House na si US National Security Advisor Robert O’Brien at Commerce Secretary Wilbur Ross ang magre-representa kay President Trump sa Summit.
Ayon kay Secretary Andanar, ilang dekada na ang relasyon sa pagitan ng ASEAN at United States, kaya at naniniwala ito na ang isang pulong na hindi nadakuhan ay makapag-babago ng relasyong ito.
Ang ASEAN aniya, bilang isang grupo, ay maraming relasyon sa ibang nasyon, at hindi lamang limitado sa Estados Unidos.
Idinagdag rin ng kalihim na ang ASEAN ay mananatiling isang masigla at matatag na organisasyon, kabalikat man ang Amerika o hindi.