Naglabas ng maikling pahayag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla hinggil sa naudlot na pag-uwi ni suspended Congressman Arnolfo Teves.
Ayon kay Remulla, ang hindi pag-uwi ni Teves sa bansa ay isang indikasyon na “guilty” daw ito sa mga kinakaharap na alegasyon.
Sinabi pa ni Remulla, hindi rin niya alam kung anong dahilan ng hindi pagbabalik bansa ni Teves kahit pa may tiket na ito para makauwi ng Pililpinas base na rin sa nakuha niyang impormasyon.
Matatandaan na inihayag ni Remulla na ngayong araw nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Teves kung saan hindi naman daw ito aarestuhin dahil hindi pa nasasampahan ng kaso.
Bukod dito, sinabi pa ng kalihim malayang magtungo ng Kongreso si Teves o kaya umuwi ito ng kanilang tahanan dahil wala naman warrant na inilabas ang korte.
Ngayong araw naman nakatakdang sampahan ng kaso si Teves base na rin sa naunang pahayag ni Remulla.