DOH, nagbabala sa publiko hinggil sa pekeng social media account ni Vergeire

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa pekeng social media account gamit ang pangalan ni Officer-in-Charge Dr. Maria Rosario Vergeire.

Sa inalabas na abiso ng DOH, nilinaw nila na walang anumang sariling Facebook account si Vergeire.

Kaya’t dahil dito, anumang pahayag at komento gamit ang nasabing pekeng account ay hindi nanggaling mismo kay Vergeire.


Maging ang mga ginawang transaksyon nito kahit kanino man ay hindi rin nanggaling sa tumatayong pinuno ng DOH.

Paalala pa ng DOH, maging mapanuri sana ang publiko sa mga nagsusulputan social media account lalo na kung personal na pangalan ng mga opisyal ng gobyerno ang ginagamit.

Maging ang anumang impormasyon na lumalabas ay maiging beripikahin rin mabuti ng publiko upang malaman kung sino ang source at pinagmulan nito.

Facebook Comments