Mariing pinabulaanan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang ulat na walang natatanggap na COVID-19 benefits ang mga health workers.
Ayon kay RITM Director Celia Carlos, naipalabas na ng tanggapan ang mahigit sa P200 milyong COVID-19 allowances magmula pa noong 2020.
Kinabibilangan ito ng; P65.9 milyong Special Risk Allowance (SRA); P23 milyong active hazard duty pay; at P120 milyon para sa pagkain, akomodasyon, at transportasyon.
Magmula ito noong November 5, 2021.
Matatandaang bago nito, inamin sa interview ng RMN Manila ni Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza na hanggang ngayon ay hindi pa nila nararamdaman ang umano’y pondong inilabas ng DOH para sa kanilang benepisyo.
Sa ngayon, umapela ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang DOH at ang Department of Budget and Management (DBM) na kumpletong ibigay sa mga health workers ang kanilang mga benepisyo bago mag-Pasko.