Manila, Philippines – Dismayado ang ilang eksperto sa hindi pagkakabanggit sa 30th ASEAN summit ng arbitration ruling kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Maritime Law Expert Prof. Jay Batongbacal – nakapanghihinayang ang pagkakataon na matalakay ang isyu lalo’t Pilipinas pa naman ang tumayong chairman ng ASEAN.
Aniya, kahit na hindi miyembro ng ASEAN, maituturing na tagumpay ng China ang inilabas na chairman’s statement sa naturang summit.
Ayon naman kay political analyst na si Prof. Richard Herdarian – tila hindi itinuturing na serious concern ng administrasyon ang naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China.
Gayunpaman, naniniwala si Herdarian na posibleng istratehiya lang ito ni Pangulong Duterte para maisulong ang interes ng bansa lalo na kapag nagpunta ito sa China sa May 14.
DZXL558