Hindi pagkakaloob ng accreditation sa Marikina Government COVID-19 Testing Center, idinepensa ng IATF

Ipinaliwanag ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung bakit hindi nabigyan ng accreditation ang Marikina City government para makapag-operate ng sariling COVID-19 Laboratory Testing Center.

Tinukoy na dahilan ni Cabinet Secretary at IATF Spokesman Karlo Alexei Nograles, ang kabiguang mai-obserba ang Health and Safety Procedure at hindi dahil sa Red Tape.

Ayon kay Nograles, hindi talaga mabibigyan ang Marikina government ng accreditation dahil nasa 6th floor ang nais nitong gawing Laboratory Testing Center.


Katwiran ni Nograles, delikado kung ganun kalayo ang pagdadalhan ng makukuhang mga samples at baka ikapahamak pa ng Health Technician sa sandaling magkaroon ng disgrasya.

Sabi ni Nograles, hindi kasi umaayon ang lokasyon ng testing center sa Marikina sa specifications na itinatakda ng World Health Organization na akma naman sa RITM.

Facebook Comments