Consultant at isa pang staff ng Senador, nagpositibo sa COVID-19

31

Isang lalaking staff ni Senator Ramon Bong Revillar Jr. at babaeng consultant sa office ni Senator Pia Cayetano ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang inianunsyo ngayon ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica.


Ang nasabing consultant ay huling nagpunta sa senado noong March 11, huling araw ng session pero hindi ito nagawi sa plenary hall.

Ang staff naman ni Senator Revilla ay naka-confine sa isang ospital sa Imus Cavite simula pa noong March 22 o nitong lingo dahil sa penumonia.

Wala itong travel history at walang matandaang pakikipagsalamuha sa COVID-19 patients.

Huling pumasok sa trabaho sa Senado ang staff member noong March 9, at muli itong nagpunta sa Senado noong March 16 para kumuha ng sweldo.

Facebook Comments