Manila, Philippines – Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nanghihinayang sa hindi pagkakapasa ni dating DENR Secretary Gina Lopez sa Commission on Appointments.
Sa kanyang talumpati kahapon sa Davao City, sinabi ng pangulo na sayang si Lopez lalo’t gusto niya ang‘passion’ nito sa pangangalaga sa kalikasan.
Aniya, naniniwala siya na lobby money ang nagsalita sa pagkaka-reject ni Lopez.
Gayunman, bilang punong ehekutibo hindi niya kontrolado ang lahat ng nasa gobyerno kasama na ang CA nakontrolado naman ng kongreso.
Nabatid na pera rin ang isinisigaw na dahilan ng ilang militanteng grupo kaya hindi nakapasa sa CA si Lopez dahil malaking pondo umano ang lumabas mula sa mga mining companies.
Facebook Comments