Hindi pagkakarehistro ng lahat ng SIM card sa harap ng nalalapit na deadline ng registration nito, isang ‘major concern’ ayon sa DTI

Ikokonsiderang ‘major concern’ kung hindi makaaabot sa nakatakdang deadline ang maraming SIM card holders sa darating na April 26.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfred Pascual na dapat mapag-aralan ito ng mga telco at mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Pascual na para sa kanya ay susunod siya sa kung ano ang itinakdang deadline at kailangan lang isagawa ang tuloy-tuloy na kampanya para magawang makapag-parehistro ang mga kinauukulan.


Paliwanang ni Pascual na wala itong ipinagkaiba sa voters’ registration na kung saan ay dapat na makapag-parehistro ang mga botante para magawa ang karapatang magkaroon ng partisipasyon sa democratic process.

Samantala, ayon pa kay Pascual, isa ang seguridad sa mahalagang dapat na masiguro sa SIM card registration habang importante rin ang papel nito sa digital payments.

Facebook Comments