Hindi pagpapahintulot sa non-essential activities, binigyang diin ng DTI

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi uusad ang bansa at walang patutunguhan ang pandemic response ng gobyerno kung patuloy na ginagawa ng mga Pilipino ang non-essential activities.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mahalagang maging mapagbantay ang lahat kapag niluwagan ang quarantine classification sa NCR Plus.

Punto ng kalihim, hindi pa naaabot ng bansa ang herd immunity.


Ang pandemic situation ng bansa ay nakadepende sa hospital care, capacity at COVID cases.

Hinihikayat niya ang publiko na iwasan ang pagsasagawa ng non-essential gatherings dahil kung hindi ay magiging ‘urong-sulong’ lamang ang bansa.

Bagama’t nakakadagdag sa surge ng COVID-19 cases ang pagbubukas ng mga trabaho at negosyo, hindi ito ikinokonsiderang ‘super spreader.’

Sa mga datos, tanging 20% lamang ng clustering ng COVID-19 cases ay nagmumula sa workplaces.

Facebook Comments