Umaasa si Albay First District Representative Edcel Lagman na paninindigan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang pahayag na hindi niya prayoridad ang panukalang pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Sang-ayon si Lagman sa sinabi ni Pangulong Marcos na ang dayuhang pamumuhunan ay papasok sa ating bansa, katulad ng nangyayari ngayon, kahit hindi palitan ang mga “economic provisions” ng Saligang Batas.
Diin ni Lagman, “out of tune” o wala sa tono sa ngayon ang Charter Change o ChaCha.
Giit pa ni Lagman, ang panahong ilalaan sa ChaCha ay mas mainam na ibuhos sa pagtugon sa mga problema sa ekonomiya, tulad ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo gayundin sa kahirapan, food security at marami pang iba.
Facebook Comments