Sa pagtalakay sa 23.7 billion pesos na proposed 2022 budget ay sinita ng mga senador ang Department of Trade and Industry (DTI) sa umano’y hindi pagprotekta sa mga local manufacturer ng face mask, face shield at Personal Protective Equipment.
Sumbat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa DTI, hinikayat nito ang Pilipinong kompanya na nag-i-export ng electronics na gumawa ng PPE.
Pero ayon kay Drilon, hindi naman sila ipinaglaban ni DTI Secretary Mon Lopez na bumili ang gobyerno ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporations.
Paliwanag naman ni Lopez, pinakilala naman niya ang local manufacturers sa Department of Health (DOH) at iba pang government agencies pati sa mga ospital para magkaroon sila ng market.
Ipinunto naman ni Senator Nancy Binay na tinutulungan ng DTI ang mga local manufacturers ng medical supplies na mag-export sa halip na bilhin ng gobyerno ang kanilang produkto.
Comedy o nakakatawa para kay Senator Sonny Angara na hindi ginagawa ng gobyerno na matulungan ang local companies sa pamamagitan ng pagbili sa kanila sa halip na mag-export pa sila.
Kaugnay nito ay iminungkahi ni Lopez ang pagpasa ng batas na mag-oobliga sa pamahalaan na bumili ng mga produktong gawa ng mga Pilipino.