Mga lumabag sa health protocols at curfew violator sa NCR, umabot na sa 200K- PNP

Umakyat na sa 224,548 mga violator ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng Alert Level 4 system sa National Capital Region (NCR).

Batay sa inilabas na update ng PNP, mula September 16 hanggang October 6 ay naitala ang daily average ng mga violator sa 10,397.

160,796 ang lumabag sa minimum public health standards.


Habang 63,752 ang lumabag sa curfew.

Samantala, 53% ng violators ang binigyan ng warning, 41% ang pinagmulta, habang 6% ang binigyan ng ibang parusa.

Facebook Comments