Malinaw para kay Senator Risa Hontiveros na ang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal ay mensahe ng pananakot sa mga mamamahayag at sa lahat ng kaaway ng administrasyon.
“The political persecution of ABS-CBN sends a chilling message to Filipino media practitioners and journalists: toe the line or get shut down. May takot at pagbabanta ang mensaheng inihahatid ng gobyerno: kapag kaaway ka, pwede kang ipasara.
While Filipinos are struggling with an unprecedented public health crisis brought by COVID-19, we have limited their access to life-saving information through the closure of a major media network.” – Senator Risa Hontiveros
Bukod sa pagpilay sa press freedom ay labis ding ikinababahala ni Hontiveros ang sasapitin ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN habang nahaharap tayo sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Tiwala si Hontiveros na maniningil ang kasaysayan sa ginawang pagpapahinto sa operasyon ng ABS-CBN nang hindi isinaalang-alang ang kapakanan ng libu-libong Pilipino na maaapektuhan nito.