Hindi pagsasapubliko ng pangalan ng mga police officials na dawit umano sa kalakaran ng ilegal ng droga, ipinaliwanag ni PNP Chief Azurin

Binigyang katwiran ni Philippine National Police (PNP) – Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang hindi pagsasapubliko ng pangalanan ng mga police officials na sangkot umano sa illegal drug trade sa bansa.

Ayon kay Azurin, maraming pulis ang inakusahan at pinangalanan na sangkot sa ilegal na droga sa mga nakalipas na administrasyon, pero wala namang kasong naisampa laban sa mga ito sa korte at hindi rin nalinis ang kanilang mga pangalan.

Aniya, paulit ulit na lamang ang mga akusasyong pinupukol laban sa mga matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya na minsa’y nagiging dahilan pa kung bakit hirap ang mga isinasangkot na ma-promote sa kanilang tungkulin.


Paliwanag ni Azurin, ang pagsusumite ng courtesy resignation ng lahat ng koronel at heneral para sumalang sa vetting process ng 5-man committee ay paraan para magkaalaman na kung sino talaga ang malinis sa hanay ng kapulisan at kung sinu-sino ang mga tiwali.

Ani Azurin, ang mga tapat at walang ginagawang mali ay walang dapat na ikapangamba bagkus dapat pa nila itong tignan bilang oportunidad upang malaman ng sambayanan na sila ay walang kalokohang ginagawa.

Facebook Comments