8 NPA sa Bukidnon, sumuko sa militar

Nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan ang 8 miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Eastern Mindanao Command Commander Lt. General Greg Almerol, sumuko ang mga ito sa mga tropa ng Joint Task Force Diamond sa Kibangay, Lantapan, at Brgy. Madaya, Pangantucan sa Bukidnon.

Paliwanag ni Gen. Almerol, ang demoralisasyon sa hanay ng NPA sa pagkamatay ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison ang naging dahilan ng pagbabalik-loob ng mga miyembro ng teroristang grupo.


Nabatid na pawang kasapi ang mga ito ng Platun IPAD, Sub-Regional Committee 5, North Central Mindanao Regional Committee, na pinangunahan ng kanilang squad leader na si Noel “Wawang” Sinanday.

Itinuro din ng mga sumuko ang tatlong imbakan ng armas ng NPA sa Brgy. Tikalaan at Brgy. Miarayon sa Talakag, Bukidnon kung saan nadiskubre ang mga high powered firearms.

Facebook Comments