Hindi pagtanggap ng mga establisyimento ng unvaccinated individuals, suportado ni Pangulong Duterte

189

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng hindi pagpapapasok ng ilang restaurants sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Sa kaniyang Talk to the People, ipinaliwanag ng pangulo na ito ay para din naman sa ikabubuti ng mas nakararami lalo na’t kumakalat ang virus sa pamamagitan ng hangin.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na walang mali kung hindi tatanggap ang mga establisyimento ng unvaccinated employees.


Aniya, maaari kasing maapektuhan ang kikitain ng negosyo kung maraming empleyado nila ang magpopositibo sa virus.

Facebook Comments