Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan sa publiko na suportahan ang 3-day National Vaccination Program

144

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na makiisa sa 3-day National Vaccination Program ng pamahalaan sa November 29 hanggang December 1.

Sa kaniyang Talk to the People, umapela ang pangulo sa Local Government Units (LGUs) na magbigay ng suporta sa mga gustong magpabakuna sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa vaccination sites.

Hinihikayat din ng pangulo ang mga LGU na pakainin ang mga magpapabakuna lalo na ang mga magpupunta sa vaccination areas sa malls at fast food chains.


Samantala, ngayon pa lamang ay nagpasalamat na ang Pangulo sa mga makikilahok sa tatlong araw na nationwide vaccination program.

Facebook Comments