Hindi pagtatagal sa trabaho ng millennials, isang malaking hamon ayon sa DOLE

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Labor and Employment na malaking hamon para sa mga kumpanya sa bansa kung paano mahihikayat ang millennials na tumagal sa trabaho.

Sabi ni DOLE-region 6 Assistant Director Salome Siaton, batay kasi sa feedback ng employers – problema nila ang millennials dahil sa attitude o ugali ng mga ito na hindi tumatagal sa trabaho.

Aniya, maging ang Tripartite Industrial Peace Council ay nagpapatulong na sa DOLE kung paano matutugunan ang problema dahil apektado na ang kanilang organisasyon.


Marami aniyang trabaho na pwedeng pasukan pero hindi ito napupunan kahit na kwalipikado ang isang aplikante dahil sa asal ng mga ito lalo na ang millennials.

Kaya naman gumawa ng paraan ang DOLE, kasabay ng job fair sa iba’t ibang dako ng bansa ngayong labor day kung saan nagbigay sila ng orientation para turuan ang mga aplikante ng kanilang karapatan at responsibilidad sa kanilang pinagtatrabahuan.

DZXL558

Facebook Comments