Pangulong Rodrigo Duterte, nagbigay ng pagbati sa mga manggagawang Pilipino

83

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa ngayong araw ng paggawa.

Sa inilabas na Labor Day message ni Pangulong Duterte, sinabi nitong kinikilala ng kanyang gobyerno ang mga karapatan ng mga manggagawa gaya ng karapatan sa makataong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin.

Ayon pa kay Pangulong Duterte, sinisikap ng Department of Labor and Employment kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa paglikha ng libu-libong trabaho sa loob ng bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na ang bunga ng paggawa ay dapat ibahagi nang patas sa lahat ng nakikilahok sa tunay na pagbabago kasabay ng panawagang magtulungan ang lahat para lalong mapagtibay ang pundasyon para sa mas payapa at progresibong Pilipinas.

DZXL558

Facebook Comments