Hindi pagtulong ng Hong Kong cargo ship sa 14 na sakay ng nakabanggaan nitong Pinoy fishing boat, sisilipin ng PCG

 

UPDATE:

Patuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 12 tripulanteng Pinoy matapos maaksidente sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro, alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Sakay ng ‘Liberty 5’ fishing boat ang mga mangingisda kasama ang dalawa pang pasahero nang mabangga ng isang Hong Kong-flagged cargo vessel sa bahagi ng Paluan.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PCG Spokesman Commodore Armand Balillo na nasa Mamburao, Occidental Mindoro na ang BRP Boracay kasama ang karagdagang rescue teams mula sa Batangas.

Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng aerial search operation ang dalawang air asset ng PCG habang magde-deploy din sila ng multi-purpose response vessel para paigtingin ang search at rescue operations.

Samantala, inalalayan na ng PCG ang MV Vienna cargo vessel ng Hong Kong papunta sa Batangas Port para sa imbestigasyon.

Aalamin ng PCG kung bakit hindi tinulungan ng barko ang mga mangingisdang pinoy.

Facebook Comments