Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na hindi pangiinsulto ang pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo na isang incompetent at hind kayang pamunuan ang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naging prangka at totoo lamang ang assessment ni Pangulong Duterte at hindi pangiinsulto nang tawagin nitong incompetent ang pangalawang Pangulo.
Sinabi ni Roque na si Pangulong Duterte ay matagal nang naninilbihan sa Pamahalaan, mula sa pagiging Prosecutor, Mayor, Vice Mayor, Kongresista hanggang maging chief Executive si Pangulong Duterte kaya hindi matatawaran ang higit 40 taon nito bilang public servant.
Wala aniyang malisya ang sinabi ng Pangulo laban sa Bise Presidente dahil ang pagtaya nito ay mula sa isang experienced public servant para sa isang 5 taon pa lamang nagsilbi sa Pamahalaan na si Robredo.
Binigyang diin din naman ni Roque na maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa kaya hindi dapat mabahala si Robredo.
Ito naman ang sagot ng Malacanang sa pahayag ni Robredo na atupagin nalang ang ekonomoya ng bansa kaysa siya ang pansinin.