Hindi patas na pagtrato sa mga dayuhan at lokal na supplier ng mga PPE, kinuwestiyon ng mga senador

Kinuwestiyon ng mga senador ang hindi patas na pagtrato sa mga dayuhang supplier ng mga medical supplies na magagamit sa COVID-19 response ng bansa.

Ayon kay EMS Components Assembly chief executive Perry Ferrer, kasama ang mga local manufacturer na kinontrata ng pamahalaan na magsuplay ng mga personal protective equipment (PPE) dahil sila ang gumastos at nag-angkat ng raw materials.

Bilang tugon, sinabi naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na dahil sa ipinatupad na border lockdown ng bansa noong unang bugso ng COVID-19 pandemic noong 2020 ay kinailangang gumamit ng military planes upang maideliver sa bansa ang mga kinakailangang PPEs.


Nilinaw rin ni opisyal na hindi niya alam kung sinong mga kumpanya ang kumokontrata sa mga flights na ito dahil nais lamang niya na makapag-produce ng PPEs at maideliver ito sa mga ospital sa bansa.

Facebook Comments