HINDI PATAS? | Pag-apruba sa dagdag sahod ng mga uniformed personnel, posibleng humantong sa demoralisasyon

Manila, Philippines – Nangangamba si ACT Teachers Representative Antonio Tinio na mauuwi sa demoralisasyon ang pag-apruba ng Kamara at Senado sa dagdag na sahod ng mga uniformed personnel.

Ayon kay Tinio, pwedeng ma-demoralize ang mga rank and file employees ng pamahalaan na matagal na ring humihingi ng umento sa sahod.

Hindi aniya patas dahil ang isang empleyado ng gobyerno na sampo hanggang dalawampung taon na nagtatrabaho ay nasa 20 libo hanggang 30 libo ang sahod habang ang isang bagong graduate ng PMA na may ranggong 2nd Lt. ay makakatanggap ng P39,356 na sweldo.


Aniya, batid naman nila ang hirap ng trabaho ng mga uniformed personnel tulad ng mga sundalo at pulis pero marami ding pagsasakripisyo, pagtitiis at taon ng dedikasyon sa trabaho ang ginagawa ng mga government employees.

Dagdag pa nito, hindi naman kalakihan ang hinihinging dagdag na sahod na nasa 3 libo lamang kada buwan na agad nireject ng Kamara matapos niyang i-panukala ang pagamyenda sa house joint resolution #18.

Facebook Comments