HINDI PATATAGALIN | Bangsamoro Organic Bill, agad na lalagdaan sa oras na maratipikahan ng Kongreso

Manila, Philippines – Hindi patatagalin ni Pangulong Rodrigo Duterte at agad na lalagdaan ang Bangsamoro Organic Law sa oras na ito ay natapos na o naratipikahan na ng Kongreso sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, posibleng hindi na dumaan o magkaroon ng Ceremonial signing ng naturang batas dahil sa oras na matanggap ng Pangulo ang panukala ay agad itong lalagdaan ng Pangulo upang maging ganap na batas.

Nabatid na raratipikahan ng Kongreso ang Bangsamoro Organic Law sa araw ng SONA ng Pangulo sa darating na Lunes kung saan posibleng lagdaan ito bago siya magtalumpati sa hapon.


Sinabi din naman ni Roque na malaki ang posibilidad na talakayin ni Pangulong Duterte ang Bangsamoro Basic Law sa kanyang SONA Speech sa Lunes.

Facebook Comments