HINDI PAYAG | Paghahain ng diplomatic protest sa China, iginiit ng ilang senador

Manila, Philippines – Kinalampag ng mga senador ang Department of Foreign Affairs o DFA para maghain diplomatic protest laban sa China matapos nitong bigyan ng Chinese name ang limang bahagi ng Philippine Rise o Benham Rise.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, ang paghahain ng diplomatic protest ay patunay na hindi pumapayag ang Pilipinas sa panibagong hakbang ng China para angkin ang mga isla na ating pag-aari.

Giit naman ni Senator JV Ejercito, malinaw na pambubully sa Pilipinas ang ginagawa ng China kaya dapat lang tayong maghain ng diplomatic protest para proteksyunan ang ating soberenya at territorial integrity.


Naniniwala si Senator Ejercito na may balak talaga ang china na angkinin pati ang Philippine Rise.

Para naman kay Senator Panfilo Ping Lacson dapat sa simula pa lang ay hindi na pinayagan ng gobyerno ang China na magsagawa ng pananaliksik sa Benham Rise.

Nangangamba si Lacson na baka magtayo na rin ang China ng artificial islands sa benham rise at tuluyan na itong angkinin katulad kanilang ginawa sa West Philippine sea.

Diin naman ni Senator Bam Aquino, Dapat nang magkaroon ng matibay at malinaw na plano ang pamahalaan sa Philippine Rise, lalo ngayong unti-unti nang kumikilos ang China para ito’y angkinin.

Facebook Comments