HINDI PINAGBIGYAN | Missionary visa ni Australian missionary Patricia Fox, tuluyan nang binasura ng BI

Manila, Philippines – Ibinasura ng Bureau of Immigration (BI) ang apela ni Australian missionary Sister Patricia Fox sa pagkansela sa kanyang missionary visa dahil sa paglahok sa political activities sa bansa.

Giit ng BI, final and executory ang desisyon kaya at hindi na raw sila tatanggap ng anumang mosyon.

Nagpadala na ang BI ng sulat para paalalahanan si Fox na kailangan na niyang umalis sa bansa.


Dahil pending pa ang kasong ito, sinabi ng BI na maari pa ring bumalik sa bansa si Fox bilang turista.

Balak namang i-apela ng kampo ni Fox sa DOJ ang naging desisyon ng BI.

Facebook Comments