ANOMALYA | Ilang private hospitals, balak magpa-discredit sa PhilHealth

Manila, Philippines – Plano nang magpa-discredit ng ilang pribadong ospital sa PhilHealth.

Ito ay dahil sa mahigit dalawang bilyong pisong utang ng ahensya na matagal nang inirereklamo ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI).

Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, president ng PHAPI, apektado na kasi ang nasa halos 60 private hospital sa buong bansa.


Kapag nagkataon, wala nang makukuhang PhilHealth benefits ang mga Philhealth members sa mga magpapa-discredit na private hospital.

Pero katwiran asosasyon, kung hindi nila ito gagawin ay baka sila naman ang magsara.

Facebook Comments