HINDI PINALAMPAS | Andi Eigenmann, pinatulan ang netizen na pumuna sa simpleng pamumuhay niya sa Baler

120

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng aktres na si Andi Eigenmann ang puna ng isang netizen tungkol sa desisyon niyang mamuhay nang simple sa Baler, Aurora.

Say ng netizen, hindi naman maituturing na simple ang buhay ngayon ni Andi sa probinsya dahil nakatira pa rin naman daw siya sa malaking bahay, may yaya, taga-luto at ang pinagkaiba lang ay nakatira siya malayo sa lungsod.

Sagot dito ng aktres – wala siyang ibang kasama sa bahay maliban sa 6-year old daughter niyang si Ellie.

Buwan ng Hulyo nang kumpirmahin ni Andi na ipinagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian kabilang ang kanyang sasakyan para makapagpatayo ng simpleng bahay malapit sa beach dahil na rin sa hilig niya sa surfing.

Katunayan aniya, nangungupahan lang siya noon habang pinapagawa niya ang kanilang bahay.

Siya na rin ang nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.

Bukod dito, sumasakay lang daw siya ng bus mula baler pauwi ng maynila para sa kanyang work commitments.

Facebook Comments