HINDI PWEDE | Legislative immunity, hindi maaaring gamitin ni Sen. Trillanes sa kasong kudeta

Hindi maaring gawing pananggalang ni Senador Antonio Trillanes ang kanyang legislative immunity para hindi maaresto at makulong.

Ayon kay Justice sec. Menardo Guevarra, maari lang magamit ni Trillanes ang kanyang legislative immunity kung ang kaso niya ay may katumbas na parusang pagkakakulong ng anim na taon o mas mababa pa.

Ang kasong kudeta na isinampa kay Trillanes sa Makati RTC ay non-bailable at may katumbas na parusang habambuhay na pagkakakulong.


Pero maari naman anyang isailalim sa kustodiya ng Senado si Trillanes o kung susundin ang nakasaad sa proclamation number 572, kailangang dalhin sya sa Camp Aguinaldo kung saan sya huling nakulong.

Facebook Comments