Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at lahat ng health care professionals laban sa pagbili at paggamit ng mga hindi rehistradong medical device products na;
Scalp Vein Set;
Medical Supply Co. Disposable Infusion Set;
At Cardinal Care Premium Disposable Syringes with Mounted Needle.
Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang nasabing medical device products ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR).
Dahil ang hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pag-eeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.
Ang nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.
Hinihiling ng FDA sa lahat ng Local Government Units (LGUs) at Law Enforcement Agencies (LEAs) na tiyaking ang produktong ito ay hindi maibebenta o magagamit sa kanilang mga nasasakupan.