HUMIRIT | Dating PNP Chief Purisima, humiling sa Sandiganbayan na payagang makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Humingi ng permiso si dating PNP Chief Alan Purisima sa Sandiganbayan Second Division para payagan siyang pumunta sa Estados Unidos.

Sa inihaing mosyon ni Purisima, hiniling niya na payagan siyang umalis sa bansa sa Abril 23 at babalik siya sa Mayo 9.

Ayon sa kanyang tatlong pahinang mosyon, siya ay pupunta sa Biloxi, Mississippi para dumalo sa 2018 National Book of the Play and Annual Meeting of the Royal Order of Jesters.


Sasamantalahin na rin umano niya ang pagkakataon upang mabisita niya ang kanyang pamilya na nasa San Francisco.

Si Purisima ay boluntaryong sumuko sa korte noong Marso 2 at naglagak ng P48,000 piyansa para sa walong kaso ng perjury kaugnay ng mga yaman na hindi umano niya idineklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth.

Facebook Comments