Manila, Philippines – Hindi sinasang-ayunan ng Department of National
Defense ang panukalang batas nina Speaker Pantaleon Alvarez at House
Majority leader Rodolfo Farinas na ihiwalay sa Philippine Navy ang
Philippine Marines at gawing bagong branch of service ng Armed Forces of
the Philippines.
Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang Philippine Marines ay
binuo noong taong 1950 batay sa General Headquarters order.
Matagal na aniya itong bahagi ng Philippine Naval Patrol na ang pangunahing
trabaho ay tugisin ang mga smugglers at pirata.
Ibigsabihin aniya nito ang binuo ang Philippine Marines para pandagdag sa
pwersa ng Philippine Navy kaya maliit lamang ang bilang nito.
Sinabi pa ni Lorezana na idinedeploy din ang Philippine Marines bilang
ground force sa ilang lugar sa Mindanao katulad ng Philippine Army.
Kaya kung ihihiwalay sila magkakaroon ng bagong branch of service, pero
pareho lang sila ng functions.
Dagdag pa ng kalihim na kini-claim ng Philippine Marines na mayroon silang
partikular na skills katulad ng ship to shore operation, na kaya rin naman
daw pagaralan ng Philippine Army.
Batay sa inihaing panukalang batas ng dalawang kongresista problema sa
pondo at charter ng Philippine Navy at Philippine Marines ang dahilan kaya
inihain nila ang panukalang batas.
<#m_1193442877303231026_m_-789682731925138073_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>