KUWAIT AMNESTY PROGRAM | Panibagong batch ng OFWs, darating sa bansa bukas

Manila, Philippines – Mahigit sa pitumpung Overseas Filipino Workers (OFWs)
na nag-avail ng amnesty program sa Kuwait ang inaasahang darating sa bansa
mamayang hapon.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division, ang 76 na distressed OFWs mula Kuwait
ay darating alas tres y medya ng hapon mamaya lulan ng Etihad Airlines
flight EY 424 – NAIA Terminal 1.

Ngayon pa lamang ay naghahanda na ang OWWA repatriation team sa pagsalubong
sa mga uuwing distressed OFWs para alalayan sa immigration documentation at
customs formalities paglapag sa paliparan.


Ang mga ito ay pagkakalooban ng OWWA repatriation team ng P5,000 financial
assistance at P20,000 bilang livelihood assistance.

<#m_5871557617594957094_m_7437613626130134224_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments