HINDI SANG-AYON | Pagsibak kay Overall Deputy Ombudsman Carandang, kinondena ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Mariing kinondena ni Senator Antonio Trillanes IV ang pagpapasibak ng Malakanyang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Giit ni Trillanes, hindi dapat pinanghihimasukan ng palasyo ang Ombudsman dahil ito ay isang autonomous constitutional body.

Tinawag din ni Trillanes na “Highly Unethical” o kawalan ng modo na ipasibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-iimbestiga sa kanya umanong mga tagong yaman.


Diin ni Trillanes, malinaw na ang hakbang ng Pangulo ay pagtatakip at panggigipit.

Dismayado si Trillanes dahil hanggang ngayon ay bigo pa rin sa Pangulong Duterte na harapin ang alegasyon na mayroon umano itong itinatago na bilyong pisong savings sa bangko.

Facebook Comments