HINDI SAPAT | ALU-TUCP, handang mag file ng petisyon para maitaas sa P5,000 ang sahod ng mga kasambahay

Manila, Philippines – Handang maghain ng petisyon ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (CBCP) na itaas sa 5,000 pesos ang sahod ng mga kasambahay.

Sa interview ng RMN kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay – hindi sapat ang matatanggap nilang sahod lalo’t dadagdagan ng buwis ang mga pangunahing bilihin at serbisyo sa ilalim Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train act.

Dahil sa susunod na taon pa, iiral ang train, mahigpit aniya nila ito babantayan kung ano magiging impak nito lalo na sa mga mahihirap na kababayan.


Nabatid na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa 3,500 pesos ang mga sahod ng mga household workers sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments