Nananatiling pinakamahirap sa bansa ang mga mangingisda at magsasaka.
Ito ang lumabas sa datos mismo ng Philippine Statistics Authority noong 2021.
Batay sa poverty statistics ng PSA, mahigit 30 percent ang poverty incidence rate para sa mga mangingisda na mas mataas sa 26.2 percent noong 2018.
Habang tatlumpung porsyento rin ang poverty incidence sa mga magsasaka na bahagya namang mas mababa kumpara noong 2018 na na sa 31.6 percent.
Kasunod nito, sinabi ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na patunay lamang ito na malala ang sitwasyon ng kahirapan sa sektor ng pangingisda.
Muli rin silang nanawagan na tugunan ang mga hinaing ng mga mangingisda at ipatigil ang mga reclamation project.
Inihayag naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na mahirap pa rin ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng totoong land reform at patuloy na pagprayoridad sa mga importasyon.