HINDI SAPAT | Malacanang, umaasang maparurusahan ang nahuling suspek sa pagpatay kay Joana Demafelis

Manila, Philippines – Hindi pa sapat para sa palasyo ng Malacanang ang pagkakahuli ng mga Lebanese authority sa pangunahing suspect sa pagpatay sa OFW sa kuwait na si Joana Demafelis.

Nahuli kasi sa Lebanon ng mga otoridad si Nader Essam Asaf pero pinaghahanap pa ng mga otoridad ang asawa nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nagpapasalamat sila at naaresto na ang primary suspect sa pagpatay kay Demafelis.


Pero umaasa pa rin sila na dadaan sa prosekusyon ang nahuling suspect at maparurusahan ito sa pagpatay kay Demafelis.

Facebook Comments