Pila Balde ba Idol

Baguio, Philippines – Inaasahan na naman ang pag dagsa ng mga tao dito sa Baguio City dahil sa Panagbenga Festival na kung saan matutunghayan natin ang street dance competition na ginanap kanina at ang flower float parade naman na siguradong aabangan ng mga kababayan natin bukas ng umaga, kaya asahan na naman ang matinding traffic.

Sa dami ng tao na nanuod kanina sa street dance competition, nagkaroon ng jeep shortage na naging epekto naman ng haba ng pila sa mga terminal ng jeepney pauwi sa kanya kanyang mga baranggay.

Paalala sa mga turista na bibiyahe na i-check ang mga gamit at kundisyon ng inyong mga sasakyan at mag-ingat dahil siguradong siksikan na naman sa daan at marami na naman ang mga kawatan na mag sasamantala para mandukot.


Ikaw idol, nag enjoy ka ba sa street dance competition?

Facebook Comments