HINDI SINSERO | Peace talks adviser Bello, hinamon ang NPA na itigil ang mga pag-atake bago isulong ang usaping pangkapayapaan

Manila, Philippines – Hinamon ng peace negotiator ng gobyerno na si DOLE Secretary Silvestre Bello ang New People’s Army na tigilan ang mga pag-atake kung nais nilang matuloy ang usaping pangkapayapaan.

Noong Mahal na Araw, sampung heavy equipment trucks na tinatayang nagkakahalaga ng 65 million pesos ang sinunog ng mga miyembro ng NPA sa Davao City.

Ayon kay Bello, ang mga ganitong akto ng NPA ay nagpapatibay lang sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng ituloy ang peace talks.


Samantala, tinawag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nag-iilusyon lang si CPP-NPA founder Joma Sison sa naging pahayag nito na nasa walumpung lalawigan pa ang may presensya ng NPA sa bansa.

Aniya paano nalaman ni Sison na malawak na ang kanilang presensya sa bansa, ganung matagal na itong hindi nakakatapak sa Pilipinas dahil naninirahan na ito sa The Hague, Netherlands.

Facebook Comments