HINDI SUPORTADO | Pangulong Duterte, nanindigang hindi susuportahan ang divorce bill ni House Speaker Pantaleon Alvarez

Manila, Philippines – Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez sakaling hindi raw niya suportahan ang dissolution of marriage bill.

Sabi ng Pangulo, hindi raw kasi ito gusto ng anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kamakailan lang nang akusahan ng House Speaker si Mayor Sara na bahagi ng oposisyon matapos itong magtayo ng hiwalay na regional political party.


Idinaan naman ng alkalde sa social media post ang pagbanat kay Alvarez na aniya ay nagkamali ng kinalabang babae.

Facebook Comments