Bilang karagdagang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 ay ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela ang Ordinance Number 769, Series of 2020.
Itinatakda ng ordinansa ang mahigpit na pagpapatupad sa maingat na pagtatapon ng mga ginamit na face mask at face shield.
Ipinag-uutos ng Ordinansa na bago ang araw ng koleksyon ng basura, ang mga gamit na face mask at face shield ay dapat munang i-disinfect gamit ang chlorine-based solution.
Base sa ordinansa, ang mga ito ay dapat itapon sa dilaw na garbage bag o sa kahit anong kulay na garbage bag na may nakasulat na “infectious waste” pagkatapos ma-disinfect.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula ₱1,000 hanggang ₱5,000 o community service sa loob ng 24 hanggang 72 oras.
Facebook Comments