HINDI TAKOT | Sandra Cam, nakatanggap ng death threat

Manila, Philippines – Ibinulgar ni whistler blower at PCSO Board of Director Sandra Cam na nakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Cam na limang beses siyang tinawagan ng isang hindi kilalang caller at sinabihan siyang malapit na siyang matapos ang kanyang buhay.

Paliwanag ni Cam hindi siya natatakot dahil kahit noon pa man ay isinakripisyo na niya ang kanyang pamilya malaman lamang ng publiko ang buong katutuhanan sa likod ng mga kontrobersyal na usapin.


Giit pa ni Cam na hindi siya nakikipag-away sa mga opisyal ng gobyerno at hindi siya umeepal sa operasyon ng STL at wala umanong pwedeng sinumang gumamit sa kanya dahil ang nais lamang nito ay sundin ang lahat ng mga ipinag-uutos ni Pangulong Duterte at tanging ang Pangulo lamang ang makapag-aalis umano sa kanya.

Facebook Comments